Sa isang salita, nakabubuo ito ng isang lahi. At sa isang lahi, nabubo ang isang bansa.
Sa iba't-ibang dako ng mundo, mayroong iba't-ibang lengwahe na ginagamit. "Hi" sa Ingles, "Bonjour" sa French, "Annyeonghaseyo" sa Korean, "Hola" sa Spanish, "Kamusta" sa Filipino at marami pang iba. Dahil dito, nakikilala natin kung anong bansa o lahi ang isang tao.
Dito sa Pilipinas, Wikang Filipino ang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa aming kapwa Pilipino. Sapagkat sa wikang Filipino, dito nagkakaisa ang mga Pilipino. Ngunit ang tanong, papaano?
Ang Pilipinas ay isang payapa at tahimik na bansa noong unang panahon. Malayo ito sa gulo, karumaldumal na gawain at karahasan. Masayang namumuhay noon ang mga Pilipino. Ngunit nasira ang lahat ng ito nang mapadpad at dumating ang mga dayuhang Kastila, Amerikano, at mga Hapon. Dito nawalan ng kalayaan ang mga Pilipino. Ngunit nagkaisa ang mga Pilipino upang maibalik muli ang dating mapayapang Pilipinas. Lumaban tayo at tayo'y nagtagumpay.
Walang makakatalo sa Pilipinas lalo na kung ang mga Pilipino'y nagkakaisa tungo sa isang matatag na bansa.
Tunay nga na kapag ang Wika ay pinag-kaisa, nagiging mas matatag at mas malaya ang bansang Pilipinas.
Mabuhay ang Pilipinas!!!!!
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa amoy ng malansang isda.
-Dr. Jose Rizal
No comments:
Post a Comment